TATLONG pang Super Health Centers (SHCs) ang natuklasang Non-Operational, sa kabila ng ideklara ang mga ito bilang Completed o nasa iba’t ibang Phase na ng Completion.
Pagkatapos ng Meeting sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na mula sa nauna niyang inanunsyo na 297 ay 300 na ang mga nakatenggang Super Health Centers sa buong bansa.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Inihayag ni Herbosa na mula sa 878 SHCs na pinondohan ng Health Facility Enhancement Program simula 2021 hanggang 2025, kabuuang 513 ang idineklarang kumpleto na habang 365 ang isinasailalim pa sa konstruksyon.
Mula naman sa 513 Completed Facilities, 196 ang Operational, 17 ang Partially Operational, at 300 ang Non-Operational.
Ayon sa kalihim, kabilang sa mga nakita nilang hadlang sa operasyon ay kawalan ng kuryente at tubig.
Batay aniya sa kanilang Arrangement, Local Government Units ang bahalang magpa-konek ng kuryente at tubig, pati na ang pag-hire ng mga magpapatakbo sa Health Centers.
