UMAKYAT sa four-month high ang investment inflows sa Pilipinas noong November 2025, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Naitala ang Foreign Direct Investments (FDIs) sa 897-million dollar net inflow noong Nobyembre, na pinakamataas simula nang mai-record ang 1.271 billion dollars noong Hulyo.
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Kumpara ito sa 642 million dollars noong Oktubre, subalit mas mababa sa 900 million dollars noong November 2024.
Kabilang sa datos ng Central Bank ang investments ng nonresident direct investors ng isang Philippine enterprise, kung saan ang equity capital ay at least 10 percent.
Ayon sa BSP, ang South Korea ang leading source ng FDIs na ang karamihan ng inflows sa naturang buwan ay nakadirekta sa manufacturing industry.
