BUMALIK ang Balance of Payments (BOP) ng bansa sa surplus na 3.1 billion dollars noong Pebrero, pinakamataas sa loob ng limang buwan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang BOP surplus noong ikalawang buwan ng 2025 ay kabaliktaran ng 4.1-billion dollar deficit na naitala noong Enero.
ALSO READ:
Mahigit 7 billion pesos na export revenue, inaasahan ng PEZA mula sa gumagawa ng manufactured houses sa Singapore
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Sinabi rin ng BSP na ang BOP surplus ay repleksyon ng net foreign currency deposits ng National Government sa Central Bank.
