LUMOBO ng 12 percent ang dairy output ng bansa noong 2025, na umabot sa mahigit 43 million liters, pinakamataas na naitala sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kumpara ito sa 38.6 million liters na nai-record noong 2024.
Sa datos mula sa PSA, ito ang unang beses na lumagpas sa 43-million liter mark ang local milk production.
Iniugnay ng National Dairy Authority (NDA) ang paglago ng produksyon sa kanilang development programs, partikular sa animal nutrition, herd expansion at farm management.




