13 October 2025
Calbayog City
National

Flood Control Projects na itinayo simula 2022, umabot na sa mahigit kalahating trilyong piso, ayon kay Pangulong Marcos

IBINUNYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot sa mahigit 545 billion pesos ang kabuuang halaga ng Flood Control Projects simula July 2022 hanggang May 2025.

Sa press conference, sinabi ng pangulo na 9,855 ang kabuuang bilang ng Flood Control Projects, simula nang mag-umpisa ang kanyang administrasyon.

Gayunman, 6,021 projects na nagkakahalaga aniya ng 350 billion pesos ang nabigong tukuyin ang uri ng mga istrukturang itinayo, ni-repair o isinailalim sa rehabilitasyon.

Bilang bahagi ng Initial Findings, isiniwalat ni Marcos na iba’t ibang proyekto sa iba’t ibang lokasyon ang mayroong magkakatulad Contract Cost.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.