NAGKABANGGAAN ang Warship ng Chinese People’s Liberation Army-Navy at China Coast Guard sa katubigang sakop ng Panatag Shoal.
Ayon kay Philippine Coast Guard – West Philippine Sea Spokesperson Commodore Jay Tarriela, gamit ang BRP Teresa Magbanua at BRP Suluan, gayundin ang MV Pamamalakaya, nagsagawa ang PCG ng Kadiwa Operation sa Bajo De Masinloc kahapon ng umaga para tulungan ang nasa 35 mangingisdang Pinoy doon.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sa kasagsagan ng operasyon, ang mga barko ng Pilipinas at mga mangingisdang Pinoy ay nakaranas ng Hazardous Maneuvers at Blocking Actions mula sa mga barko ng China sa lugar.
Binomba pa ng Water Cannon ng barko ng China ang BRP Isulan pero nagawang iiwas ng mga crew ng PCG ang barko.
Habang ginagawa ng mga barko ng China ang pambu-bully sa mga barko ng Pilipinas, nagkabanggaan naman ang China Coast Guard na may Vessel Number 3104 at ang People’s Liberation Army Navy Ship Number 164.
Nagresulta ito ng matinding pinsala sa CCG Vessel kaya agad namang nag-alok ang Coast Guard ng tulong sa mga crew ng barko ng China na maaaring nasaktan o nasagutan dahil sa insidente.
Habang ang mga mangingisdang Pinoy ay agad dinala ng BRP Teresa Magbanua sa ligtas na lugar kung saan sila pinagkalooban ng fuel at iba pang suplay.
Samantala, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatili pa rin sa West Philippine Sea ang mga barko ng Pilipinas.
Ito ay matapos magbanggaan ang China Coast Guard Vessel 3104 at People’s Liberation Army Navy (PLA Navy) ship 164 sa layong 10.5 nautical miles ng Bajo De Masinloc habang hinahabol ng dalawang barko ang mga barko ng Pilipinas.
Ayon sa pangulo, hindi natatakot ang gobyerno kaya iaatras ang mga barko ng Pilipinas sa West PH Sea.
Wala aniyang Uniformed Personnel ang may gusto ng gulo subalit patuloy na isusulong ang soberanya ng bansa sa ating teritoryo.
