NAGSAGAWA ng inspeksyon ng Department of Public Works and Highways at mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure sa isang Flood Control Project sa Maynila – ang Sunog Apog Pumping Station sa Tondo.
Kasama sa inspeksyon si DPWH Secretary Vince Dizon at si Manila Mayor Isko Moreno.
Sa datos ng Manila City LGU, ang Sunog Apog Pumping Station ay ginastusan ng 1 billion pesos na sinimulan noong 2017 at natapos taong 2020.
Pero hindi ito nagagamit dahil ayon sa Metropolitan Manila Development Authority depektibo ang mekanismo nito.
Tiniyak naman ni moreno ang kahandaan ng LGU na makipagtulungan sa DPWH at sa ICI sa pagsusuri ng mga Flood Control Project sa lungsod upang masiguro na mapakikinabangan ito ng taumbayan.