HUMIHIRIT ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 1.4 billion pesos na pondo upang tuluyan nang makumpleto ang bagong highway na mag-uugnay sa mga lalawigan ng Samar at Eastern Samar, at magpapaikli sa biyahe sa pagitan ng dalawang lungsod ng dalawang oras.
Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar Tabacon na umaasa silang maku-kumpleto ang buong Road Opening and Concreting Project bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Simula 2016 hanggang ngayong 2024, umabot na sa 933.57 million pesos ang inilaan ng national government para sa proyekto mula sa 2.74 billion pesos na budget requirement.
Ang pag-release ng budget ang magbibigay daan para sa DPWH na buksan at i-kongkreto ang 22.21 kilometers na kalsada na babaybay sa mga kabundukan sa pagitan ng dalawang Samar Provinces.
