UMAKYAT sa mahigit siyam na libo ang kaso ng Influenza-Like Illnesses (ILIS) sa pagitan ng huling linggo ng Hulyo hanggang sa unang linggo ng Agosto, ayon sa Department of Health, sa gitna ng rainy season.
Sa pinakahuling datos mula sa DOH, kabuuang 9,491 cases ang naitala simula July 28 hanggang Aug. 10, na mas mataas ng 55% kumpara sa 6,124 cases na naitala simula July 1 hanggang 27.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Lahat ng rehiyon maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakapagtala ng pagtaas ng ILIS Cases sa naturang panahon.
Samantala, simula Jan. 1 hanggang Aug. 24, umabot na sa 102,216 ILIS cases ang naitala sa bansa, na mas mababa naman ng 18% kumpara sa 125,153 cases na nai-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon,
Ang ILIS ay grupo ng mga sakit na mayroong kaparehong sintomas, gaya ng lagnat, ubo, sore throat o pananakit ng lalamunan, sipon, pananakit ng katawan, at pananakit ng ulo.
