16 January 2026
Calbayog City
Metro

MMDA, nagbabala sa pekeng NCAP traffic violation

BINALAAN ng MMDA ang mga motorista kaugnay sa mga mensaheng naglalaman ng pekeng traffic violation.

Sa natanggap na impormasyon ng ahensya, ipinadadala ang mensahe sa email at na naglalaman ito ng umano’y traffic violation sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy o NCAP kasama ang proseso kung paano babayaran ang paglabag sa pamamagitan ng pag-click sa button.

Paalala ng MMDA, ang official email address ng MMDA na ginagamit sa pagpapadala ng e-mail ay ang “no-reply@mmda.gov.ph” habang ang “mmda_ncap” naman ang official sender para sa text message.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).