DUMATING na sa Myanmar ang ipinadalang rescue and medical team ng Philippine government para sa dalawang linggong humanitarian mission sa bansang niyanig ng magnitude 7.7 na lindol.
Ang unang batch ng responders na binubuo ng limampu’t walong personnel ay umalis sa Pasay City kahapon ng umaga, lulan ng dalawang C-130 aircraft.
Tulong ng Japan sa Philippine education, tiniyak sa DepEd
LTFRB, inabisuhan na ang mga tsuper na ipa-validate o papalitan ang kanilang Fuel Subsidy Cards
Paggawad ng special power kay PBBM para maibaba ang excise tax sa langis, aprub sa 1 senador
DOE, pinababantayan ang posibleng pananamantala sa presyo ng langis
Ang team na pinamumunuan ni Lt. Col. Erwen Diploma, ay kinabibilangan ng volunteers mula sa Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, at coordinators mula sa Office of Civil Defense.
Bukod sa search-and-rescue personnel, nag-deploy din ng Philippine medical assistance team na specialized unit sa ilalim ng Department of Health para tumulong sa mga nasugatan.
Nakatakda namang umalis ngayong Miyerkules patungong Myanmar ang natitirang tatlumpu’t tatlong miyembro ng rescue at medical team.
