20 August 2025
Calbayog City
Business

External Debt, bumagsak noong Abril sa gitna ng paglakas ng piso laban dolyar

BUMAGSAK sa 5.16 trillion pesos ang Foreign Debt o utang panlabas ng bansa hanggang noong katapusan ng Abril, batay sa tala ng Bureau of Treasury.

Mas mababa ito ng 2.68 percent o 142.33 billion pesos kumpara noong Marso, bunsod ng 124.74 billion pesos na decrease sa peso value ng External Debt dahil sa paglakas ng local currency, matapos ang net repayments na 58.28 billion pesos

Nakinabang din ang Domestic Debt Stock o utang panloob mula sa paglakas ng piso, kung saan natapyasan ang value ng Dollar-Denominated Domestic Securities ng 3.85 billion pesos.

Inihayag ng Treasury na matapos magdeklara si US President Donald Trump ng Tariff War sa malalaki nitong trading partners, ay bumagsak ang halaga ng dolyar sa 55.933 pesos noong Abril mula sa 57.28 pesos noong Marso.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).