NAKABALIK na sa bansa si Dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Na umano’y utak sa pagpatay kay Dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo, matapos i-deport ng mga awtoridad sa Timor-Leste, kung saan siya humingi ng asylum.
Alas syete kwarenta kagabi nang lumapag ang eroplanong sinakyan ni Teves sa Davao City, para sa stopover.
Sa inilabas na video statement, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panahon na para harapin ni Teves ang hustisya.
Inihayag ni Marcos na hindi mangyayari ang deportation sa dating mambabatas kung hindi dahil sa tulong ni President Jose Ramos-Horta at Prime Minister Xanana Gusmao.