20 June 2025
Calbayog City
Local

Pagsasaayos ng RORO Port sa Samar, minamadali sa gitna ng nilimitahang pagdaan ng mabibigat na sasakyan sa San Juanico Bridge

MINAMADALI ng contractor ang pagsasaayos ng Amandayehan Port sa Basey, Samar, upang magamit na sa susunod na linggo, sa gitna ng San Juanico Bridge Crisis.

Ayon kay Engineer Boy Achilles Gabica ng Aqualine Construction Corp., araw-gabi silang nagta-trabaho para ma-upgrade ang fish port sa Roll-on, Roll-off (RORO) port.

Gumagamit ang contractor ng limang heavy equipment at dalawampu’t limang workers sa site para mapabilis ang trabaho.

Hindi pa isinisiwalat ng Department of Public Works and Highways ang funding requirement para sa pag-upgrade ng port.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).