NAGDEKLARA ang Tacloban City Council ng State of Emergency bunsod ng limitadong access sa San Juanico Bridge, na nag-uugnay sa mga isla ng Samar at Leyte sa Eastern Visayas.
Ayon sa Information Office sa lungsod, layunin ng deklarasyon na agad magamit ang resources habang tinitiyak ang kaligtasan ng publiko.
Albuera Mayor Kerwin Espinosa, sumuko sa NBI – Cebu kaugnay ng kasong murder
Pag-upgrade sa Calbayog Airport sa Samar, malapit nang umarangkada
Landslides at pagbaha sa 1.4K na barangay sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Basyang, ibinabala ng MGB
Militar, pinaigting ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng NPA sa San Jorge, Samar
Nakasaad sa statement ng City Information Office na dahil sa restricted access sa San Juanico Bridge, nahaharap ang main gateway palabas at papasok ng Tacloban, sa seryosong problema na may kaugnayan sa economic flow, emergency response, at supply chain delays.
Dahil din sa deklarasyon ay mapahihintulutan ang lokal na pamahalaan na umaksyon ng mabilis, maglaan ng emergency funds, at makipag-ugnayan sa national agencies para sa karagdagang suporta.
