Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang expanded number coding scheme, bukas, Feb. 9, para sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Ang Chinese New Year ngayong taon ay tumapat sa araw ng Sabado, Feb. 10.
Gayunman, idineklara ni pangulong Bongbong Marcos, ang feb. 9 bilang special non-working day sa bansa upang ipagdiwang ang holiday.
Paalala naman ng MMDA sa mga motorista, planuhin ang kanilang biyahe, sumunod sa batas trapiko at maging maingat sa pagmamaneho.