INAASAHAN ng Department of Agriculture (DA) na aabot sa 150,000 metric tons kada buwan ang aangkating bigas sa Marso at Abril.
Ayon sa ahensya, kasunod ito ng konsultasyon sa mga rice trader at importers.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang projected shipments ay mas mababa sa karaniwang monthly average na 400,000 metric tons.
Ito aniya ay matapos pumayag ang mga importer na bawasan ang inbound shipments para sa domestic harvest season.
Nilinaw din ni Laurel na ang hakbang ay boluntaryo sa bahagi ng industriya at ng DA, para sa kapakanan ng rice farmers.
