TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mamamayan.
Sa kaniyang latest vlog, sinagot ng pangulo ang concern ng isang netizen na nagsabing pahirap ang pagkuha ng ayuda sa gobyerno dahil kailangan pang maghintay ng matagal dahil may mga pulitiko pang magtatalumpati.
Pero paliwanag ni Pangulong Marcos, ang mga programa ng National Government ay hindi dapat ginagamit ng mga pulitiko para umepal o i-promote ang kanilang sarili.
Hindi aniya dapat ginagamit ang mga serbisyo ng gobyerno sa pamumulitika.
Tinitingnan na rin ayon sa pangulo ang posibilidad na gawing digital ang pamamahagi ng ayuda.
Ito ay para maiwasan na ang mahabang pagpila na pahirap lalo na sa mga senior citizens at PWDs.
Katunayan ayon kay PBBM, ilang LGU na ang gumagamit na ng e-wallet sa pamamahagi ng ayuda.




