NILAGDAAN ni Naga City Mayor Leni Robredo ang Executive Order na naglalatag ng Mass Regularization Mechanism para sa mga staff ng city hall na matagal ng nanunungkulan sa serbisyo.
Matapos kasi ang isinagawang review sa Human Resource Composition ng sa city hall, napag-alaman ni Robredo na mayroon lamang 723 mula sa 2,356 workforce o 31% lang ang nasa Permanent Plantilla Positions.
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Ang nalalabing 1,633 na empleyado o 69% ay pawang mga Casual, Job Order, o Contract of Service.
Sa ilalim ng nilagdaang EO ni Robredo, prayoridad na gawing regular sa trabaho ang mga Casual employee na nasa serbisyo na ng hindi bababa sa 10-taon.
Inatasan ni Robredo ang Human Resource Management Office (HRMO) na i-validate at pag-aralan ang record ng mga empleyadong maghahain ng aplikasyon para sa regularisasyon.