TIWALA ang Department of Energy (DOE) na aabot sa 50,000 units ang mabebentang Electric Vehicles (EVs) hanggang sa katapusan ng taon.
Sinabi ni Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino, na positibo sila dahil sa mga numero na kanilang nakita hanggang noong Setyembre.
ALSO READ:
Batay sa registration data mula sa Land Transportation Office (LTO), lumobo sa 41,000 units ang naibentang EVs sa unang siyam na buwan ng taon kumpara sa 9,000 na naitala noong 2024.
Sa kasalukuyan, ang EVs ay kumakatawan sa 4% ng Overall Vehicle Fleet.
Target naman ng Pilipinas na maabot ang halos 312,000 units na EV Sales pagsapit ng 2028.




