NAG-alok ang presidente ng El Salvador na i-repatriate ang 252 Venezuelans na dineport ng US at ikinulong sa kanilang bansa.
Ito ay kung ire-release ng Venezuela ang kaparehong bilang ng political prisoners.
Direktang umapela si Nayib Bukele kay Venezuelan President Nicolas Maduro sa isang post sa social media.
Aniya, maraming Venezuelan deportees ang nagkasala dahil sa panggagahasa at pagpatay, habang ikinulong ang Venezuelan political prisoners dahil lamang tutol sila kay Maduro.