Nakamit ng Filipino Olympian na si EJ Obiena ang ikatlong puwesto, ka-tie ang dalawa pang pole vaulters, sa Lausanne Leg ng Diamond League.
Na-clear ni Obiena ang 5.82 meters sa pamamagitan ng single attempt para makuha ang third place, kapantay ang mga pambato ng Norway at Australia, sa torneyo na may labing isang kalahok.
ALSO READ:
Alyssa Solomon, sumama sa training ng Alas Pilipinas para sa SEA Games
12-man line up na sasabak sa Window 1 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers, inanunsyo ni Gilas Pilipinas head coach
Karl Eldrew Yulo, wagi ng bronze sa Junior World Gymnastics Floor Exercise Finals
Pinay Tennis Star Alex Eala, nag-training kasama si Rafael Nadal
Namayagpag naman sa tournament ang World No. 1 at Paris Olympic Gold Medalist na si Mondo Duplantis ng Sweden, dahil sa bago nitong record na 6.15 meters.
Hawak ni Duplantis ang dating record na 6.10 meters sa nakalipas na dalawang taon.
