Nakapagtala ang Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas ng dalawang kaso ng firecracker-related injuries, habang mahigit isandaan ang isinugod sa ospital bunsod ng iba pang health emergencies sa gitna ng pagdiriwang ng kapaskuhan.
Ang dalawang nabiktima ng paputok ay mula sa mga bayan ng Padre Burgos, sa Southern Leyte at Guiuan, sa Eastern Samar.
 Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
 Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
 Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
 Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Nagtamo ang mga ito ng sugat sa mata at kamay matapos sindihan ang whistle bomb at lantaka o portable cannon noong Dec. 23 at 24.
Kapwa menor de edad ang mga biktima na patuloy na nagpapagaling.
Samantala, simula Dec. 21, nakapagtala ang DOH ng 179 cases ng injuries, kabilang ang 167 individuals na nasangkot sa aksidente sa kalsada.
Ilan sa mga biktima ay naaksidente matapos dumalo sa Christmas parties, kinagat ng hayop, nahulog sa bangin, nasugatan ng patalim, at iba pa.
Nakapag-record ang health facilities sa Eastern Visayas ng apat na nasawi bunsod ng iba’t ibang aksidente na may kinalaman sa pagdiriwang ng pasko, simula noong Dec. 21.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									