NAKAPAGTALA ang Eastern Visayas ng 2.5% inflation rate noong Enero, halos doble ng pigura na nai-record noong Disyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ang inflation rate noong nakaraang buwan ng 1.4 percent kumpara noong December 2025.
Sinabi ni PSA Region 8 Chief Statistical Specialist Mae Almonte, na ang uptrend sa regional rate noong Enero ay dulot ng bumilis na inflation rate sa heavily weighted food at non-alcoholic beverages sa 2,7% mula sa 1.4% noong Disyembre. Naitala rin ang mas mabilis na inflation rate sa karne at iba pang bahagi ng slaughtered land animals, oils and fats, flour, bread, at iba pang bakery products, pasta products, at iba pang cereals.




