NAKAPAGTALA ang Eastern Visayas ng Average Inflation Rate na 0.7% noong 2025, pinakamababa sa loob ng tatlong dekada, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni PSA Eastern Visayas Regional Director Wilma Perante na lubha itong mas mababa kumpara sa 3.1% Average Inflation Rate noong 2024, gayundin sa 1.7 percent national average noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Halos 100 taong gulang na Ormoc Maternity Hospital, ipinasara!
Ang 2025 average ay kaparehas sa dating record low na 0.7 percent na naitala sa Region 8 noong 2015, mahigit isang taon matapos tumama ang Super Typhoon Yolanda.
Batay sa datos ng psa, ito ang pinakamababang Inflation Rate sa Eastern Visayas simula noong 1995.
