NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng kagutuman batay sa latest survey ng Social Weather Stations.
Sa 2025 4th quarter survey ng SWS na ginawa mula November 24 hanggang 30, mayroong 20.1 percent ng pamilyang Pinoy ang nagsabing nakaranas sila ng Involuntary Hunger noong Nobyembre.
Ito ay 1.9 percent na mas mababa kumpara sa 22 percent na naitala noong September 2025.
ALSO READ:
PNP-CIDG, may panawagan sa puganteng si Charlie “Atong” Ang
Pangulong Marcos, nakauwi na sa bansa matapos ang working visit sa Abu Dhabi
Mga LGU, pinaghahanda sa Bagyong Ada; CAMSUR, nakasailalim na sa Red Alert
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sa latest survey, pinakamataas ang naitalang Involuntary Hunger Rate sa Mindanao kasunod ang Metro Manila at Visayas.
Sa parehong survey lumitaw din na 51 percent ng pamilyang Pinoy ang nagsabing sila ay mahirap at 30 percent naman ang nagsabing sila ay hindi naghihirap.
