NANAWAGAN ang PNP-CIDG sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na sumuko ng maayos sa mga otoridad.
Kasunod ito ng pag-iisyu ng warrant of arrest ng Korte laban kay ang at iba pang akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
ALSO READ:
Nagbabala naman si PNP-CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II na maaari ding arestuhin at maharap sa kasong Obstruction of Justice ang sinumang hahadlang sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa mga akusado.
Ayon kay Morico, nasa kostodiya na ng PNP ang siyam na pulis at anim na sibilyan na kabilang sa sinilbihan ng warrant of arrest.
Habang tatlo pa ang pinaghahanap ng mga otoridad kabilang si Ang.




