UMAASA ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakakuha ng karagdagang pinansyal na suporta para sa men’s curling team.
Kasunod ito ng kanilang makasaysayang pagkapanalo ng gold medal sa Asian Winter Games sa Harbin, China, noong biyernes.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na sisikapin niyang humirit ng pondo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para suportahan ang kampanya ng koponan sa 2026 Winter Olympics na nakatakdang ganapin sa Italy.
Isiniwalat ni Tolentino na personal na binabalikat ng mga atleta ang kanilang expenses sa ngayon, kaya nangangailangan sila ng financial support upang ma-sustain at mapaghandaan ang mga susunod nilang kompetisyon.
