26 December 2025
Calbayog City
Sports

Dyip, ginulat ang Tropang Giga!

TINAPOS ng Terrafirma Dyip ang kanilang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup sa “positive note” matapos gulatin ang tnt Tropang Giga, sa score na 118-108, sa Ynares Center sa Antipolo, kagabi.

Ang Terrafirma na bigong maipanalo ang nauna nilang labing isang laro, ay nakapagtala ng isang panalo, na bumasag din sa anim na sunod na panalo ng TNT.

Pinangunahan ng rookie na si Mark Nonoy ang Dyip sa pamamagitan ng career-high na 33 points, 4 rebounds, at 4 assists.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).