IBINAHAGI ng Maroon 5 frontman na si Adam Levine ang kanyang excitement para sa nalalapit nilang concert sa Pilipinas sa Jan. 29, na gaganapin sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.
Sa video greetings na ibinahagi ng local concert organizer na Live Nation Philippines, sinabi ng Maroon 5 vocalist na gustong-gusto nilang mag-perform sa bansa.
ALSO READ:
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
Tinawag din ni Adam ang mga Pilipino na “best fans ever,” kasabay ng pagtiyak na “another show to remember” ang kanilang Manila concert.
Bukod sa Live Nation Philippines, ang Maroon 5 Asia 2025, ay co-presented ng Tourism Promotions Board at ng Department of Tourism.
