5 July 2025
Calbayog City
Local

Irrigation project, pormal nang itinurnover ng nia sa barangay Jimautan sa Calbayog City

PORMAL nang itinurnover ng National Irrigation Administration (NIA) ang Jimautan Small Irrigation Project sa Jimautan Irrigators’ Association sa Calbayog City.

Dumalo sa naturang seremonya si Mayor Raymund “monmon” Uy na kinalangan pang umakyat sa maputik na daan at tumawid sa kawayang tulay upang makarating sa lugar ng irrigation project sa barangay Jimautan.

Nakumpleto ang naturang proyekto noong may 2024 sa ilalim ng Small Irrigation Project (SIP) sa pamamagitan ng 2022 calendar year allocation.

Dahil sa turnover, maaring nang i-operate at pangasiwaan ng Jimautan irrigators’ ang irrigation system at iba pang government-provided facilities.

Magbibigay naman ang nia ng technical services kung kakailanganin sa hinaharap ng asosasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).