13 November 2025
Calbayog City
Local

DSWD, tiniyak sa mga biktima ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas na mayroon pang supply ng food boxes

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas sa mga biktima ng Bagyong Uwan na sapat ang family food boxes sa kabila ng bumabang supply matapos ang pagtama ng magkasunod na kalamidad sa rehiyon.

Sinabi ni DSWD-8 Director Grace Subong na mayroon silang 74,905 family food boxes sa kanilang warehouses, kabilang ang mga naka-preposition sa northern at northeastern parts ng Samar Island, na pinaka-naapektuhan ng Bagyong Uwan.

Aniya, mababa ang naturang bilang sa standard na 160,000 food boxes, subalit mayroong ongoing deliveries mula sa kanilang DSWD Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).