31 July 2025
Calbayog City
National

DSWD, tiniyak na may sapat na Food Packs na handang ipamahagi sa mga maaapektuhan ng Bagyong Crising

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development na may sapat na Family Food Packs sa mga Warehouse nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa na mabilis na maipapamahagi sakaling may maapektuhan ang Bagyong Crising.

Ayon kay Asst. Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group ng DSWD, mayroong tatlong milyong box ng Food Packs ang naka-prepositioned sa 935 Storage Facilities ng ahensya.

Sinabi ni Dumlao na nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga Local Government Units (LGUs) para sa mabilis na paghahatid ng Relief Supplies.

Maliban sa tatlong milyong boxes ng Food Packs mayroon ding nakahanda na mahigit P773 million na halaga ng Non-Food Items ang DSWD na kinabibilangan ng Hygiene Kits, Kitchen at Sleeping Kits, Water Containers, at iba pang Shelter Materials. Ani Dumlao, araw-araw ang produksyon ng mga bagong Family Food Packs para kahit tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga ito ay mauubos.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).