NAKATAKDANG magtayo ang United States Navy ng Boat Maintenance Facility sa Palawan, ayon sa US Embassy sa Pilipinas.
Sinabi ng Embahada na naglabas ang US Naval Facilities Engineering Systems Command ng Public Solicitation para sa disenyo at konstruksyon ng bago pasilidad sa Naval Detachment Oyster Bay.
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Nakasaad sa Statement na magbibigay ang pasilidad ng Repair and Maintenance Capabilities para sa iba’t ibang maliliit na Philippine Military Watercraft, at lalagyan ito ng dalawang Multi-Purpose Interior Rooms para sa Equipment Storage o Conference Use.
Binigyang diin ng US Embassy na ang Boat Maintenance Facility ay hindi Military Base, at inaprubahan ito ng Pamahalaan ng Pilipinas, alinsunod sa lahat ng Applicable Local Rules and Regulations ng dalawang bansa.
Ang lokasyon ng planong US Military Facility ay malapit sa West Philippine Sea kung saan mayroong tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
