NAKA-high alert ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI at naka-bantay sa sitwasyon sa Negros Occidental kasunod ng muling pagputok ng Mt. Kanlaon.
Partikular na mino-monitor ng DSWD ang mga evacuation center sa Negros Island.
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Ayon sa latest na report ng PHIVOLCS, nakapagtala ng moderately explosive eruption sa Mt. Kanlaon 2:55 ng madaling araw ng Martes, May 13 na tumagal ng 5-minuto.
Nagbuga ang bulkan ng grayish plume na umabot sa 4.5 kilometers ang taas mula sa summit crater.
Nakapagtala ng ashfall sa mga barangay sa La Carlota City (Cubay, San Miguel, Yubo, and Ara-al); Bago City (Ilijan and Binubuhan); at La Castellana (Biak-Na-Bato, Sag-ang, and Mansalanao) sa Negros Occidental.
Mayroong naka-standby na 81,624 Family Food Packs (FFPs) sa Bacolod warehouse ng DSWD na nakahandang i-deploy sa lalong madaling panahon.
