NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 10.31 million pesos na halaga ng humanitarian assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan sa Eastern Visayas.
As of Nov. 20, nakapagpamahagi ang DSWD ng 15,487 na family food packs, 733 na ready-to-eat food boxes, at 306 non-food items sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua, tumanggap din ang lahat ng pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at mga nasugatan bunsod ng bagyo, ng kabuuang 90,000 na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.
Sinabi ni Chua na ang naturang assistance ay karagdagan sa ibinigay na tulong ng 72 Local Government Units sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, at Biliran, kung saan 19,618 families ang napaulat na naapektuhan.




