20 July 2025
Calbayog City
Local

DSWD, naglabas ng mahigit 31 million pesos para sa mga benepisyaryo ng LAWA at BINHI Programs sa Eastern Visayas

NAG-release ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 31.59 million pesos sa mahihirap na pamilya sa Eastern Visayas para sa programa na idinisenyo upang mabawasan ang epekto ng kagutuman at kakulangan ng tubig.

Ang naturang halaga ay pinakinabangan ng 3,900 individuals na naging bahagi ng pagsasanay at pagta-trabaho sa Northern Samar, Eastern Samar, at Southern Leyte, sa ilalim ng Project LAWA o Local Adaptation to Water Access at BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished.

COMPASIA

Ayon kay DSWD Eastern Visayas Information Officer Jonalyndie Chua, bawat isang benepisyaryo ay tumanggap ng 7,500 pesos sa Payout Activities sa iba’t ibang petsa, simula Enero hanggang Hunyo.

Saklaw nito ang mga bayan ng Almagro, Matuguinao, Sta. Margarita, Catbalogan City, Sta. Rita, Villareal, at San Jose De Buan sa Samar; Catubig, Gamay, Lapinig, Silvino Lubos, at Lope De Vega sa Northern Samar; Oras, Dolores, Jipapad, San Policarpo, at Maslog in Eastern Samar; at San Ricardo, Bontoc, Silago, Sogod, at Libagon sa Southern Leyte.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).