15 March 2025
Calbayog City
Local

DSWD Eastern Visayas, pinalawak ang kanilang “Walang Gutom” Program

PINALAWAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office ang kanilang “Walang Gutom” Program.

Sa pamamagitan ito ng pagdaragdag ng walundaang pamilya para sa hakbang na ang layunin ay tugunan ang insidente ng involuntary hunger at malnutrition.

Ayon kay Joshua Kempis, DSWD Regional Information Officer, 31,774 families ang kasalukuyang naka-rehistro sa “Walang Gutom” Program sa Eastern Visayas.

Aniya, makatatanggap ang mga ito ng 3,000 pesos na food credits sa kanilang electronic benefit transfer cards, na gagamitin nila sa pagbili ng pagkain sa DSWD-accredited retailers.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).