NAGLUNSAD ang China ng dalawang araw na Military Exercises sa paligid ng Taiwan, at tinawag ito ng kanilang militar na “Strong Punishment” para sa “Separatist Acts” ng Self-Ruled Island.
Sinimulan ang drills, tatlong araw matapos ang inagurasyon ni Taiwanese President William Lai, na nanawagan sa China na tigilan na ang pagbabanta sa isla at tanggapin na lamang ang pag-iral ng kanilang demokrasya.
Itinakda ang mga aktibidad sa lahat ng paligid ng main island, at sa unang pagkakataon ay tinarget ang Taipei-controlled islands ng Kinmen, Matsu, Wuqui at Dongyin na matatagpuan malapit sa baybayin ng China, ayon sa mapang inilabas ng People’s Liberation Army ng China.