NAKIKIPAG-ugnayan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga prospective contractors para sa pagsasapinal ng Project Design Strategies at Detailed Construction Methodologies para sa pagpapatibay sa San Juanico Bridge.
Target ng 1.17-Billion Peso Project na itaas ang Load Limit sa San Juanico Bridge ngayong taon, mula sa Three-Ton Limit na ipinatupad simula noong May 15.
Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar Tabacon, na nakatutok ang kanilang diskusyon sa pagtaas sa Load Capacity ng tulay sa 12 TOns.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng DPWH Regional Office ang pondo, tatlong linggo matapos i-endorso ng Regional Development Council ang Proposed Budget sa Office of the President noong June 10.
Personal na inabot ni Tabacon ang kopya ng resolusyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang bisitahin ng punong ehekutibo ang San Juanico Bridge noong June 11.