SA kabila ng pagkakaroon ng isa sa may pinakamalaking Budgets noong 2024, aabot sa 165 billion pesos ang Unobligated Funds ng Department of Public Works and Highways (DPWH), batay sa datos mula sa Department of Budget and Management (DBM)
Ang Unobligated Fund ay tumutukoy sa kapital na ni-release sa ahensya subalit nananatiling unused o hindi nagagamit.
Sa Agency Performance Review, ina-asses ng DBM ang kakayahan ng mga ahensya na pangasiwaan at gastusin ang kanilang Budget.
Noong 2024 ay mayroong 1.4 trillion pesos na available na pondo ang DPWH na galing kanilang Regular Appropriations, Unprogrammed Funds, Transferred Funds mula sa ibang ahensya, at natirang pondo noong 2023.
Nasa 1.2 trillion pesos ang nagamit ng DPWH noong nakaraang taon, kaya ang Unobligated Fund Rate ay medyo mababa pa rin sa 11.8 percent.
Dahil dito, binigyan ng Budget Department ang DPWH ng “Satisfactory” Rating.




