UMAASA si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na maaayos ang mga sirang bahagi ng national highway sa Samar sa katapusan ng 2027.
Sinabi ni Dizon na isusulong ang rehabilitasyon sa Maharlika Highway sa loob ng dalawang taon, kasabay ng pangakong mabilis at tama itong maisasagawa.
ALSO READ:
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Aniya, makikipag-usap siya sa malalaking contractors upang gawing top priority ang Maharlika Highway.
Lulan ng bus, pinangunahan ng kalihim at iba pang matataas na DPWH at local government officials ang inspeksyon sa mahigit 200 kilometers na kalsada mula sa Calbayog City hanggang sa San Juanico Bridge na nag-uugnay sa Samar hanggang Leyte Island.
