INAMIN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na wala silang Monitoring System para sa ilang Flood Control Projects, lalo na sa mga isiningit ng mga mambabatas sa National Budget na hindi dumaan sa teknikal na pagsusuri.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na makikita nila sa unang pagkakataon ang ilan sa mga proyekto matapos lumabas ang mga ito sa pinal na bersyon ng General Appropriations Act (GAA).
Idinagdag ni bonoan na hindi nila ito nabantayan dahil hindi sila bahagi ng Bicameral Conference Committee.
Sa kabila naman nito ay inaasahang maipatutupad ng ahensya ang mga proyekto na kadalasan ay mayroong delays, bunsod ng kawalan ng Prior Validation, Feasibility Studies, o Engineering Assessments.
Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA), inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DPWH, na magsumite ng kumpletong listahan ng lahat ng mga nakumpleto at Ongoing Flood Control Projects.
Ito ay upang matukoy ang Delays, ma-assess ang Performance, at maharang ang anumang posibleng Ghost Projects.