NAG-inspeksyon sa MRT-3 si Transportation Secretary Vince Dizon para makita ang sitwasyon ng mga tren at makisalamuha sa mga pasahero nito sa kasagsagan ng rush hour Lunes (Mar. 17) ng umaga.
Sumakay sa tren ang kalilhim at nag-inspeksyon sa Taft, Ayala at Shaw Station.
ALSO READ:
Kapatid ni Dating Manila Mayor Honey Lacuna, kinasuhan si Mayor Isko Moreno at iba pang mga opisyal ng lungsod
3 Dalian train sets, ide-deploy sa MRT-3 simula sa pasko
9 na pulis sa Navotas, sinibak sa pwesto matapos akusahan ng panonortyur
3 lalaki na nakasuot ng balaclavas sa rally sa Maynila, hinuli ng mga pulis
Tiniyak ni Dizon na prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) na pabilisin ang pila ng mga pasahero sa tren, at gawing mas maayos ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero.
Bibigyan din ng agarang aksyon ang paglalagay ng ilaw sa mga madidilim na bahagi ng mga istasyon, pati na ang paglalagay ng mga covered walkway mula sa mga istasyon ng tren patungo sa iba pang sakayan tulad ng bus at jeep.
