18 May 2025
Calbayog City
Provincial

Pagligo sa Montalban River, bawal muna dahil sa mataas na antas ng Fecal Coliform Bacteria

IPINAGBAWAL muna ang pagligo at paglublob sa ilog ng Montalban sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay sa bisa ng kautusan mula sa Protected Area Management Board (PAMB) bunsod ng mapanganib na antas ng Fecal Coliform Bacteria.

Batay sa mga resulta ng mga pagsusuring isinagawa sa sample na ng tubig mula sa ilog ng Montalban nitong nagdaang buwan ng Enero at Pebrero 2025 mataas ang antas ng bacteria sa ilog kaya mapanganib sa kalusugan ang pagligo o paglublob dito.

Ang mga pinagmumulan ng Fecal Coliform Bacteria ay mula sa mga dumi ng tao, hayop, at mga katas ng basura na humahalo sa tubig ng ilog.

Ang pagbabawal sa pagligo sa Montalban river ay mananatili hanggang sa ang level ng Fecal Coliform Bacteria sa tubig ay umabot na sa pamantayan na Class C batay sa DENR Administrative Order No. 2016-08.

Patuloy ang regular na isinasagawang pagmomonitor sa kalidad ng tubig sa ilog, at kung sakaling naabot na ang tamang pamantayan ay papayagan na muli ang pagpaligo sa Montalban river.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).