HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop laban sa rabies taon-taon.
Ito’y matapos pumalo sa record-high na 426 ang rabies-related deaths noong nakaraang taon.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sa datos na inilabas ng ahensya, mula sa kabuuang bilang, 193 o 45 percent ng mga nasawi ay kinagat ng alagang hayop, na karaniwan ay aso o pusa.
Sa total rabies cases, 41 percent ay bunsod ng unvaccinated pets habang 56 percent ay kinasangkutan ng mga hayop na hindi tiyak ang vaccination status.
Pinakamataas ang rabies cases noong 2024 sa Central Luzon na may 56; Soccsksargen, 43; at Calabarzon, 35.
Ayon pa sa DOH, sa nakalipas na limang taon, ay kabuuang 1,750 na ang mga Pinoy na namatay dahil sa rabies.
