NASA New Delhi, sa India si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, para dumalo sa 10th Raisina Dialogue.
Nakatakdang magsalita ang kalihim sa isang high-profile panel para talakayin ang maritime security sa Indo-Pacific Region.
ALSO READ:
Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video
FDA, LTO, at BIR, nanguna sa listahan ng mga ahensya na may pinakamaraming reklamo ngayong 2025
LTFRB, naglabas ng 1,500 Special Permits bago ang Christmas rush
Mahigit 134,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Wilma at Shear Line – DSWD
Ang tatlong araw na conference, na nagsimula kahapon hanggang bukas, ay ang Premium International Forum ng India sa geopolitical at economic issues.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ito ang first appearance ni Manalo sa naturang forum.
Sa website ng Raisina Dialogue, nakasaad na tatalakayin din ng panel ang potential impacts ng Bagong Trump Administration sa rehiyon at ang impluwensya ng non-state actors sa traditional security frameworks.
