7 July 2025
Calbayog City
National

DOTr, pinaplantsa na ang Fuel Subsidy sa Transport Sector

NAKAHANDA ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbigay ng Fuel Subsidy sa mga PUV driver at operator dahil sa epekto ng Big Time Oil Price Hike dulot ng kaguluhan sa Middle East.

Tugon ito ng kagawaran sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpaabot ng agarang tulong sa Transport Sector.

Ayon sa DOTr, hindi kailangang Consolidated na ang mga driver o operator para makatanggap ng Fuel Subsidy.

Ito ay dahil apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang Transport Sektor – Consolidated man o hindi.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DOTr at LTFRB sa ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Energy (DOE), Department of Interior and Local government (DILG), Department of Information and Communications Technology (DICT), at LandBank of the Philippines (LBP) upang mapabilis ang pamamahagi ng ayuda para sa mga driver at operator.

Inaasahang ilalabas ang Subsidiya sa lalong madaling panahon ayon sa utos ng pangulo na madaliin ang distribution nito.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).