11 November 2025
Calbayog City
National

1st batch ng OFWs mula sa Middle East, nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang unang batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-repatriate mula sa iba’t ibang bansa sa Middle East, sa gitna ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Iran.

Mag-a-alas otso kagabi nang lumapag ang sinakyan nilang eroplano mula Qatar, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Una nang na-delay ang flight ng OFWs matapos isara ng Qatar ang kanilang airspace, matapos bombahin ng Iran ang U-base sa naturang bansa.

Ang mga umuwing OFWs ay kinabibilangan ng dalawampu’t anim mula sa Israel, tatlo mula sa Jordan, at tig-isa mula sa Palestine at Qatar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).