NAHALAL muli bilang Pangulo ng Amerika si Donald Trump, para sa kanyang “remarkable comeback” makalipas ang apat na taon matapos lisanin ang White House nang matalo kay US President Joe Biden.
Muling ookupahin ng pitumpu’t walong taong gulang na si Trump ang White House, matapos ma-secure ang mahigit 270 electoral college votes na kailangan para manalo sa pagka-pangulo.
Ang tagumpay ng dating pangulo sa Swing State na Wisconsin ang nagtulak sa kanya para maabot ang threshold.
Inilampaso ni Trump ang kanyang mga challenger sa loob ng kanyang Republican Party at tinalo ang Democratic Candidate na si Kamala Harris, sa pamamagitan ng panliligaw sa mga botante hinggil sa pagtaas ng mga presyo, at sa aniya ay paglobo ng krimen bunsod ng illegal immigration.